Monday, September 15, 2008

SURVIVOR PHILIPPINES sa wakas


Sa wakas ay nag-umpisa nang i-air ang survivor philippines sa GMA. isa ito sa bagong pinaka-aabangang reality show ng season bukod sa papalapit na ring pag ere ng "Fear Factor" mula naman sa abs-cbn.

back to Survivor Philippines, to the highest level na ang gagawin nating pagsubaybay ngayon sa naturang programa. first challenge pa lang eh talaga namang nag-iinit na kami sa panonood ng t.v. para i-cheer ang mga favorite castaways namin... mind you first day pa lang may favorite na....

grabe naman talaga ang excitement namin sa pagsubaybay kina Jace Flores, Zita Ortega, Patani DaƱo, JC Tiuseco, at Rob Sy... Grabe todo na ang pagtili namin lalo na ng maunang makarating si Jace Flores sa Beach.

Ok din ang naging hatian ng tribe, Jarakay for the guys and Naak for the girls. matinding battle of the sexes ito.... uubra kaya ang girl power o mangingibabaw ang strenght and agility ng mga guys?!?!

unang paghaharap pa lang ng dalawang tribe ay nagpakitang gilas na agad ang mga kalalakihan sa pag-gawa ng mga challenges pero mukhang may ibubuga parin ang mga girls dahil muntikan na nilang matalo ang Jarakay tribe. sa huli nagwagi pa rin ang mga lalaki and as a reward ay binigyan sila ng tools na magagamit para makabuo ng silungan. and as a punishment muling kinadena sa isa't-sa ang members ng Naak and they will stay like that until the next day.

umpisa pa lang yan at marami pang pwedeng mangyari.... tutok lang tayo sa Survivor Philippines mga survivor fanatics..... hoping some day magkaroon din ng pinoy version ng fans vs. favorites.... dun baka sumali na ako... hahaha!!! sa ngayon sana maka survive ako sa new job ko as supervisor ng isang clothes shoppe dito sa laguna